Partido
State University
Goa,
Camarines Sur
S/Y
2012-2013
How
to Make Handouts
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan
ng Pilipinas ay pinaghalong
impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may
malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino,
na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing
Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong
Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat
taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista,
nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay
kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon
pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang
nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig
Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga
unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay
may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. AngHinduismo at Budismo ay
may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang
mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at
iba pang wika sa Pilipinas ay
maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay
pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na
salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga
mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay
ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng
edukasyon, musika at pamahalaan.
Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay
magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga
ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay
nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa
mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga
mahihirap.
Kaugaliang Pilipino
·
Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga
samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man
kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang
nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay
agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos
lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng
paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay
bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di
gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
·
Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang
mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang
kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak.
Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa
sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang
isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga
lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat
ay mag-kakakilala.
·
Pakikisama: Ang pakikisama ay ang
kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo
sa iba.
·
Hiya: Ang
kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay
naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian
ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang
kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan
din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng
paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay
pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng
loob.
·
Utang na Loob: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao
sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May
mga kasabihan nga na: Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
·
Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao
sa kanyang dignidad. citation
needed
·
Delicadeza: Isang ugali na kailan na
dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.citationneeded
·
Palabra de Honor: "May isang
salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga
sinabi nitong mga salita o pan
Ano ang mga
kulturang Pilipino na nakakaapekto sa pagkonsumo
|
Nakabatay sa kinikita ng mga manggagawa ang
paggamit o pagkonsumo ng mga kalakal at paglilingkod. Higit na malaaki at
maluho ang pagkonsumo ng mga taong kumikita nanng malaki kayasa mga taong
maliit lamang ang kita. Higit na pinag-uukulan ng mga taong sapat lamang ang
kinikita ang pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan kaysa kanilang mga
naisin o kagustuhan lamang. Subalit kung minsan, may mga tao rin nmamang kahit
maliit ang kinikita, nagpipilit na maging maluho kahit hindi nito kaya at
nagbubunga ito ng suliraninb sa kanya.
Naniniwala sila na higit na mabuti at mataas ang uri ng mga produkto na galing sa ibang bansa. Naniniwala ang mga mamimili na simbili ng karangyaan o status symbol ang paggamit ng mga banyagang produkto.
Ang impluwensya ng kulturang Ameikano sa larangan ng pagkonsumo ay makikita sa pagkain tulad ng hamburger, sandwiches, steak ar pag-inom ng softdrink.
Naniniwala sila na higit na mabuti at mataas ang uri ng mga produkto na galing sa ibang bansa. Naniniwala ang mga mamimili na simbili ng karangyaan o status symbol ang paggamit ng mga banyagang produkto.
Ang impluwensya ng kulturang Ameikano sa larangan ng pagkonsumo ay makikita sa pagkain tulad ng hamburger, sandwiches, steak ar pag-inom ng softdrink.
Aspeto ng kulturang pilipino ang nakakaapekto sa pagkonsumo madaling mahikayat sa pamimili ng mga materyal na bagay na hindi nmanan gaanong mahalaga.
Ang epekto ng kapaligiran sa nalinang na kultura ay nagdududlot ng pagkakaiba ng pagpapahalaga ng konsyumer sa kanyang panlasa, at pagpili sa mga bagay at serbisyong kanyang gagamitin.
Mahusay sa pakikisama ang mga Pilipino. Sa pamimili, nais nilang bumili sa mga taong pinagkakatiwalaan nila. Dito mula ang konsepto ng "suki".
Hanggang ngayon, umiiral pa ang malakolonyal ng kaisipan sa mga mamimili. Sa pamimili madalas na itanong ng mamimili kung imported ang kalakal o paninda. Pangakit din ng nagtitinda ang pagsabi na imported o stateside ang kanyang mga panindang kalakal.
Diwa ng rehiyonalismo sa mga konsyumer at prodyuser. Karaniwaqng tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto ng kanilang rehiyon.
Ang pagkamalinis at pagkamaayos sa katawan ang isang katangiang ipinagmamalaki ng mga Pilipino lalo na ng kabataan.
Kahanga-hanga ang mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon.
May isang kaugalian ang mga Pilipino na minsan ay may negatibong epekto sa pangkabuhayang pagpapahalaga. Ang amor propio ay nagbubunga ng panggagaya.
Sa kabilang dako may Positibong epekto ang ganitong kaugalian kung ito ay hahantong sa pagsisiskap para umangat ang kalagayan sa kabuhayan.
Malakas din ang loob ng mga Pilipino na
makipagsapalaran. Bunga nito ang pagkahilig sa sugal, lotya at pagtatrabaho sa
ibang bansa.
Sanggunian:
http://emanila.com/philippines/salawikain-tagalog-proverbs/
http://www.google.com.ph/search?hl=en&q=kasabihan%20tungkol%20sa%20kultura%20ng%20pilipinas&psj=
http://www.google.com.ph/search?hl=en&q=kasabihan%20tungkol%20sa%20kultura%20ng%20pilipinas&psj=
http://www.google.com.ph/search?hl=en&q=kasabihan%20tungkol%20sa%20kultura%20ng%20pilipinas&psj=
http://www.google.com.ph/search?hl=en&q=kasabihan%20tungkol%20sa%20kultura%20ng%20pilipinas&psj=
Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo. (Do unto others what you want others do unto you.)